San Manuelians Web Forum

Post your comments, feedbacks, tsismisans or anything.

San Manuelians Web Forum
Start a New Topic 
Author
Comment
SAN ROQUE DAM

Naniniwala ba kayong para sa ikabubuti ng inyong bayan ang pagtatatag ng San Roque Multipurpose Dam? O baka naman kabilang kayo sa mga nabubulagan sa tunay na epekto ng SRMPD hindi lamang sa inyong bayan kundi pati na rin sa buong Pangasinan at Tarlac?


Ang pagtatayo ng SRMPD sa inyong lugar ay isang malaking kalokohan. Kung tutuusin, hindi ito para sa ikabubuti ng mga mamamayang Pilipino bagkus ikapapahamak pa natin ito. Unang-una sa lahat, maraming residente ang nawalan ng kanilang ikabubuhay. Malawak ang lupang sinakop ng pagtatayo nito at dahil dito, maraming magsasaka ang nawalan ng lupang sinasaka. Oo nga't binigyan naman ng bagong bahay ang mga pinaalis sa lugar na pinagtayuan nito ngunit binigyan ba sila ng bago nilang ikabubuhay? Hindi. Lahat ng pangakong binitiwan sa pagtatayo ng dam ay hindi pa naibigay.


Isa sa mga sinasabing mabuting maidudulot ng dam ay ang flood control. Isang malaking kalokohan!!! Sa pagpapalabas pa lamang ng tubig na mula sa Binga Dam at Ambuklao Dam ay binabaha na ang ilang bahagi ng Pangsinan na malapit sa Agno River, ano pa kaya kung ang isang napakalaking dam na tulad ng SRMPD ang magpalabas ng tubig? HIndi malayong mabura sa mapa ng PIlipinas ang inyong bayan at ang buong lalawigan.


Kung sa inaakala ninyo na malaki ang makukuha ng bansa natin sa dam na ito, nagkakamali kayo. Ang SRMPD ay naitayo sa pamamagitan ng BOT o Build-Operate-Transfer. Ibig sabihin, ang San Roque Power Corporation lang muna ang inisyal na makikinabang dito at paglipas ng 25 taon, tsaka pa lamang ito mahahawakan ng ating gobyerno. At paglipas rin ng 25 aon, maraming gastusin na ang kahaharapin ng dam. Sa tingin nyo ba mura lamang ang magagastos sa maintenance ng isang dam?


Mahal ang ginagastos para sa maintenence. Kaya kung susuriin nyong mabuti, lugi tayo.


Isa pa ay hindi tayo nakasisiguro sa tibay ng dam. Lalo na't napapaligiran ito ng tatlong faultline: San Manuel Faultline, San Jose Faultline at ang Digdig Faultline na syang dahilan ng malakas na lindol noong 1990. Alinman sa tatlong ito ang lumikha ng lindol ay maaaring mabitak ang dam. Kung kaya't malaki talaga ang posibilidad na lumubog ang Pangasinan, Tarlac, at ilang bahagi ng La Union.


Kung kaya't nananawagan ako sa inyo na pag-aralan ng mabuti ang tunngkol sa isyung ito. HIndi ito maliit na usapin bagkus ito ay nasyunal. Sapagkat isa itong flagship project ng ating gobyerno kung kaya't kailangan tayong maging kritikal.


Iligtas ang inyong buhay pati na rin ang kalikasan. Makiisa sa panawagan upang hindi maituloy ang pag-oopera nito.


DAMN THE DAM!!!